Ito ang nangyari sa ilan sa inyong tax money noong panahon ng 19th Congress. Project: Rehabilitation of Road, Barangay UP Campus, Quezon City Contract Cost: ₱18,988,921.56 Contractor: E.L. Torres Construction and Trading Inc. Ayon sa records: • Contract Effectivity Date: March 29, 2023 • Actual Start Date: March 29, 2023 • Contract Expiry Date: October 21, 2025 • Status: On-Going • Accomplishment: 0% Mahigit dalawang taon na mula nang magsimula ang proyekto, at kahit lampas na sa contract expiry date, nakalista pa rin itong “on-going” na may 0% accomplishment. Alam ko na ang karaniwang depensa: “Naglaan lang naman kami ng pondo.” Pero para sa mga residente ng Distrito Kwatro, hindi sapat na may budget sa papel. What matters is whether the project was actually completed and whether the people benefited from it. Simple question: Kung may pondo, may kontrata, at may contractor, bakit hanggang ngayon wala pa ring natatapos? At dahil sa mga naging testimonya at sinumpaang salaysay ng mga Discaya tungkol sa umano’y malalaking “cut” sa ilang proyekto, hindi rin maiwasang itanong: May kinalaman ba rito ang parehong sistemang kanilang inilantad? Hindi ito akusasyon. It is a legitimate question that deserves a clear answer. Mas lalo itong nakapagtataka dahil noong panahon ng 18th Congress, maraming proyektong naisulong ni Congressman Bong Suntay ang may actual implementation at natapos para sa kapakinabangan ng komunidad. This is not about political color. This is about accountability. Karapatan ng taumbayan na malaman kung bakit may halos ₱19 milyon na proyekto na hanggang ngayon ay wala pa ring naipapakitang accomplishment. Being funded is not enough. It must be completed. It must benefit the people. And if something went wrong, someone must be held accountable. #ombudsman